
ang ineeettt. march pa lang a. DX 'di ako sanay na mainit 'pag panahon ng birthday ko. gusto ko magpagupit, pero parang ayoko rin. pero ayun, si chao fan pinagupitan namin. ang dami niya kasing kuto dahil summer na, tapos mukhang init na init na rin siya parati. mahirap na rin na mahaba balahibo niya baka ma-pano pa si bonbon. D:
wow. ang dami na palang nangyari mula nung huli akong napgost. una, ayun nga, pinanganak na si bonbon!! ang saya, valentine's day baby siya. nag-overnight kasi kami sa hotel (salamat, vert!) after nu'ng prom, tapos ang gumising sa akin 'yung tawag ni papa na nanganganak na si mama.
haha, ang saya! ang cute cute ni bonbon, syempre dahil kamukha ko. (pero halos lahat naman ata kami sinasabi kamukha niya) XD wala pa naman siyang ibang ginagawa bukod sa kumain, tumae, umihi, at matulog, pero basta cute pa rin siya. ako nagpapatulog sa kanya sa gabi hehehe.
birthday ko nu'ng isang gabi. salamat sa lahat ng mga bumati! XD (regalo, asan?) 'di makapagluto si mama kasi busy siya kay bonbon kaya si ate beb ang nagluto tapos si andy nag-bake ng cake. hehehehe, ayun masaya naman.
tinanong ko sina mama anong regalo sa akin, sabi si bonbon daw. akala ko pa naman din bagong pmp. ._. 'di na nakapagpa-party kasi may baby sa bahay at saka sabi nina mama sagot ko daw eh wala naman akong gano'ng pera. =3=
tapos ayan, kinalbo si chao fan. oo, significant event sa buhay ko 'yan. ayoko sana ipakalbo kasi mas cute siya pag mahaba buhok. pag ako gupitan ayoko rin. pero ang dami niyang kuto. sinubukan kong kutuhan pero tinamad rin ako. tapos 'yun nga, kung ako nga init na init, si chao fan pa kaya na puro buhok buong katawan. cute pa rin naman siya e (parang ako, cute pa rin kahit gupitan) kaso nalulungkot siya pag nakikita sarili niya sa salamin. hay.
ayun lang. musta na kayo? malapit na magbakasyon. haha, shet, 'pag ganito ka-init nagbabakasyon mode 'yung utak ko e.